#PoreberBitter.

Lahat nalang ng tao bitter – si Visera na bitter kay Luke dahil may girlfriend na raw, si Chelsea na nainlove sa klasmeyt niya, AKA ‘Seben’, si Syarleot na may pagtingin kay Bertol pero iba naman ang crush, si Christine na umibig sa lalaking seminarista, si Lucille na nagkaroon ng lihim na pagtingin sa isang lalakeng ang puso ay pagmamay-ari na ng iba at higit sa lahat, ako na parang baliw na sa kaaasa.

Hindi naman sana masama ang pagiging bitter at lalong wala namang mali kung magiging bitter ka. Ang kaso, halos lahat ng mga bitter sa mundo, araw-araw nalang may hugot. (Di na nagsawa ‘te?) At hindi lang yan, kasi sa araw-araw na yan maririnig at maririnig mo ang mga katagang “WALANG FOREVER.”

Hindi naman sa tinututulan ko na maging mapait ang mga tao at maging sweet sila sa kahit sino. Ang sa akin lang naman, may mapapala ba kayo kung magiging bitter kayo? Pero may FOREVER talaga! May FOREVER! Alam niyo kung ano? KAYO! #PoreberBitter

Pero napansin ko nabawasan na ang mga bitter sa mundong ibabaw. Oo! Walang halong biro at dahil yan sa kalyeserye ng “ALDUB” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza. (Buti nalang talaga nandyan ang “ALDUB.” Hindi ako promoter. Sinasabi ko lang.) Syempre hindi rin naman magpapahuli ang OTWOL/ On the Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre pati na ang Pangako Sa’yo kung saan agaw pansin si Amor Powers na ginagampanan ni Jodi Sta. Maria.

Opinyon ko lang po ito. Wala kasi akong maisip na iba. (HAHA! Huwag po kayong bitter sa pinublish ko!)

‘Yung mga kasamahan ko sa bahay, grabe makareact. Lalo na nang malaman nilang magpopost ako ng tungkol sa “forever.” Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kanilang naging reaksyon. Mga bitter din kasi.

Isa lang ang masasabi ko, ano man ang emosyon na ipapakita mo, palaging may kasunod yan na positibo o kaya naman ay negatibong epekto sa kapwa mo, sa lipunan at sa lahat ng nakapaligid sa’yo maging sa sarili mo. Huwag kalimutang maging maingat at magsiguro! Sabi nga sa palabas na “Aha,” ‘LAMANG ANG MAY ALAM.’

Leave a comment