Usapang FINALS

Right minus wrong…

Sa FINALS, halos lahat nagrerebyu dahil ayaw nilang bumagsak at maalis ang scholarship. Iyong iba nagmistulang mga paniki na, mulat na mulat ang mga mata sa gabi imbes na sa umaga. Iyong ilan naman, maagang natutulog sa gabi para lang magising nang maaga. Ikaw? Anong ginagawa mo kapag FINALS?

Psychology…

Masyadong mahirap raw ang test kaya pinarevise ng Dean.

Buong akala…

“Hay, buti nalang. Yes!”

Katotohanan nang makita ang test paper…

“A a a ano ‘to?”

Maya-maya…

“Right minus wrong ang pagsusulit nyo.”

Nabigla…

“Ha? Maaaaaaaam.”

Habang sumasagot…

“Ano nga ba iyong sagot dito? Nabasa ko iyon kanina. Please pumasok ka ulit sa isip ko.”

Matapos ang ilang minuto…

“Ipasa na ang mga papel.”

Nataranta…

“Maam. Wait lang.”

Napaisip…

“O sige. (5) Five minutes more.”

Isa… Dalawa… Limang minuto…

“Ipasa na ang mga papel, ang mahuli hindi na tatanggapin.”

Nagmadali…

“Hala pa’no to? Walang pa akong sagot dito.”

Nag-isip ng sampung segundo…

“Sige na nga! Right minus wrong naman. Sayang kung mabawasan pa ang score na makuha ko.”

Bago magcheck…

“Maam, ‘wag nalang po RIGHT MINUS WRONG.”

Walang sumagot…

Maya-maya…

“O sige na.”

Nainis…

“What?! E di sana sinagutan ko nalang lahat kahit hindi sigurado iyong ibang sagot! Ano ba yan?”

At doon po nagtatapos ang FINALS.

Leave a comment